oh well, dito pa rin talaga ako babalik para magreklamo sa mga bagay-bagay. aliw din ang mag-emo paminsan, kaya walang kokontra.
2010 na. supposedly, na-aachieve ko na ang goals ko. part kasi lagi ng new year's resolution ko ang mas maging mabuting tao (malamang lahat naman). pero parang pahirap ng pahirap ang buhay, actually, ang pagkamit pala ng goals ko. nagiging mas mahina na siguro ako dahil sobrang madali akong ma-offend ng mga simpleng bagay. OA talaga minsan, iyakin pa naman ako, pero buti na lang hindi masyado sa harap ng mga tao. masaya makipaglokohan at asaran paminsan (pero hindi pala talaga). hindi man seryosong jokes at pangaaway, pero dahil sensitive (maarte) ako, nasasaktan na ko. (yak, ang emo).
bakit parang superficial ang friendship ko sa ibang tao? hindi nga ba ko sincere kung minsan, sobrang dami ko na nga bang nagawang masama, sobrang mapagpanggap ba ko... kasi sobrang bigat ng feeling.
masaya ba talaga na makapang-away?
sobra na rin nga siguro ako mang-away, kaya nga din ako inaaway. hindi naman sa sobrang masama ang mang-away, pero may nagagawa bang mabuti yun?
kelan nga ba ko nagsimulang mang-away? hindi ko na din alam. ang alam ko lang, hindi ko talaga gusto mang-away. ang goal ko sa buhay, dalhin and mga tao kay Lord. pero ang fail ko.
napakaloose na ng term na GC. hindi sa big deal sakin na matawag na GC, pero bat ako tatawaging GC? dahil sobra akong mag-aral? hindi naman actually sobra lagi, pag sinisipag lang. pero nagaaral ako ng sobra, kasi laging kasama sa prayers ko na tulungan ako ni God sa pag-aaral (exams and all) ko. at nakakahiya na humingi ng tulong kung hindi naman ako mag-aaral.
humahaba na ang drama ko. anyway, mas personal conflict 'to, i guess. kaya goodluck sakin sa pagresolve.