para tigilan ko na kausapin ang sarili ko, dito na lang. haaay, sobrang stupid ko talaga. at napaka samang tao, at napakasensitive. naiinis ako sa sarili ko. lenten season pa man din. hindi ko matanggap na ganito ang asal ko. naman. nananakit na nga ako, at napakadaming beses ko pa nagsabi ng bad words ngayong araw na to (at lately na rin yata). gusto ko nang umiyak, pero napakawalang kwenta naman kasi. oh well, ganun naman talaga ako. umiiyak para sa mga walang kwentang bagay.
sumobra lang talaga ang pagkasensitive ko, at pagiging maarte. sapakin niyo na din ako. (ayan na tutulo na ang luha ko). napaka-incoherent ko na. di ako makapagisip ng maayos. sinira ko lang ang araw ko para sa bagay na wala namang kwenta. hindi pa tuloy ako masyadong nakapagconcentrate sa exam. hindi nga naman big deal, pero sobra akong maka-react. sorry. kasi ganun lang talaga ako, kung hindi ko pa masyadong nagawang obvious na hindi ko talaga gusto i-share ang bagay na yun kasi nga para sakin napakastupid nun, pero wala nga lang naman. nag freakout na nga ako na mababasa ni ma'am ung katangahang imbento ko, pano pa kaya kung maraming tao. kasi nakakahiya nga, at ayokong mapahiya, ayokong tawanan yung katangahan ko (fine, naiyak na nga ako. wag muna sana dumating ang roommates ko). sorry at nagoverreact ako. narealize ko na ang stupidity ko, at sorry sa nasabihan ko ng badwords, sorry sa nasaktan ko, at sorry sa natarayan ko. napakawalang kwenta ng asal ko. sorry. at least natuto naman ako. next time, game na kong mapahiya. at promise wala na sakin ang mga pangyayari. naging tactless lang ako kanina at naging sobrang maarte. okay na lang pala sakin malaman ng lahat, wala na talaga yun. sana wala na din sa mga tao.
hay, at least nailabas ko na ang sama ng loob ko. at medyo okay na ko.
mabuti na lang at dumating na ang inorder kong brush set online. napangiti ako paguwi ko. nabawasan ang lungkot ko.